Sawain kasi: Bianca King iiwanan din ni Dennis Trillo

HINDI maganda ang record ni Dennis Trillo sa mga babaeng nakarelasyon niya in the past. Nakita nyo naman na sa sobrang pagmamahal noon ni Cristine Reyes sa kanya ay nagdusa talaga ito dahil sa palabang karelasyon din ng actor na si Carlene Aguilar kung saan may isa siyang anak rito. Then sabay na nag-ending ang relasyon ni Dennis kina Cristine at Carlene at pumasok naman sa eksena ang iba pa at itong si Jennylyn Mercado. Nakita naman natin kung ano ang sinapit ni Jennylyn sa piling ng actor. Hindi ba’t ginawa pa siyang punching bag nito at ang da height, pinalayas pa siya ni Dennis sa condo nito.

Well, kalat na sa showbiz na ang bago raw ngayon ni Dennis ay itong leading-lady niya sa “Sinner Or Saint” na si Bianca King. Parati raw kinikilig ang aktres sa tuwing nababanggit sa kaniya ang tungkol sa kanila ni Dennis.

Well, ang tanong lang ay hanggang kailan siya kikiligin sa actor. Paano kapag nanawa na ito sa kanya at bigla rin siyang iwanan?  Hay naku, hindi babae ang bagay rito kay Dennis kundi bading na tunay na magmamartir sa ugali niyang hindi kagandahan.

Korek ba ako Kapatid na Erick John Salut? I think I am correct na correct, gyud!

****

Christmas song na duet nina Claire dela Fuente at Michael Bolton patok sa YouTube

EVERY year, pagtungtong pa lang ng October ay nagta-top na sa sales ng iba’t ibang record bars ang first ever Christmas album ni Ms. Claire dela Fuente kung saan may duet ang famous diva/talent manager sa Hollywood Pop Rock Artist na si Michael Bolton by way of the song “Christmas Song.” Well, once in a lifetime lang naman kasing mangyari ito sa mga local artist natin na maka-duet mo ang isang Michael Bolton. Kahit nga mismo sina Regine Velasquez at Sarah Geronimo ay napahanga dahil pumayag ang nasabing Hollywood singer na makipag-duweto kay Ms. Claire. Hindi naman ganoon kadali ‘yun. Talagang dumaan rin sa ilang proseso si Ms. Claire, no? Pero ang malaking advantage niya ay nagustuhan kaagad ni Michael ang kanyang singing voice kung saan nakita nitong bagay silang mag-record ng kanta.

At heto na nga, halos three years nang pino-promote ni Ms. Claire ang album nila ni Bolton from Viva Records na talaga namang mega hit!

Say pa ng kaibigan naming recording artist-businesswoman, may mga inaayos lang sila ni Boss Vic del Rosario pero tuloy pa rin ang planong pagsasamahan nilang series of concert ni Michael sa Europa at Amerika. Remember, hindi lang si Michael ang naka- trabaho ni Ms. Dela Fuente kundi nakasama na rin nito sa mga project niya sina Richard Carpenter via her revival hit single “Something In Your Eyes” at ang singer-actor naman sa Hollywood na si David Soul na kanyang naka-duweto naman sa mga revival at version nila tulad ng “Don’t Give Up On Us Baby” at “Bakit Ngayon Ka Lang” popularized by Ogie Alcasid.

Heto pa, may nagbalita sa amin na patok rin sa YouTube ang Christmas song kung saan marami ang nagda-download nito sa Intenet. Bravo gyud!

Personal: Dahil ating pinahahalagan ang bawat readers dito sa Talk of the town at mabentang-mabentang Remate Tabloid natin my BFFT Pete A., pls allow me to greet happy reading sa mga macho, mababait at masisipag na security guards ng ABS-CBN na sina: Vergel and Raquel Matias, Abel Gatongay, SO Alquiza, SO Saison, Sir Florez and Commander Binasa.

Thank you, sa inyong pagiging accomodating sa amin diyan. Lab you gyud!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply