Sayaw ng buhay

ISINALAYSAY ni Rose Borromeo na hindi naging madali para sa kanyang dance studio na i-penetrate ang target nilang market sapagkat hindi pa uso noon sa nasabing

bansa ang mga uri ng sayaw na itinuturo nila.

“We offered something different kasi sanay sila sa mga Chinese dance, Malay dance  Indian dance at ballet lang. Wala silang Jazz noon, then we introduced American Jazz. Hit na Hit.”  Masayang kwento niya.

Noong una ay Jazz lang ang itinuturo nila subalit sa labis na pagsisikap ay unti-unting napabantog ang dance studio ni Rose at dahil sa tagumpay nito ay binuksan na rin niya ang pintuan ng kanyang dance studio para sa iba pang mga uri ng sayaw gaya ng Hip-hop, Salsa at iba’t ibang uri ng Spanish dance.

Sa gitna ng aming pag-uusap ay ipinakilala niya sa akin si Angel, isang mahusay, kinikilala at nirerespetong mananayaw ng Spanish dance, sa Singapore at maging

ng Spanish community.

“Dancing is very individualistic, very personal. You really have to pour everything, puso, kaluluwa, body, lahat. There is not the same performance, in a

dance. That’s how different it is, you cannot repeat the quality of your performance. You only have once, that’s why it’s a moment,” wika ni Angel nang isinalaysay niya kung paano nakatulong ang pagsasayaw upang makarating siya sa kinalalagyan niya ngayon.

Pareho ng hilig at passion sina Rose at Angel na naging dahilan upang magkasabay nilang harapin ang hamon ng sayaw ng buhay sa Singapore.

Para sa kanila, ang buhay isang sayaw, mahirap at minsa’y masalimuot ang mga indak, maaari kang ma-dapa o matisod subalit ang mahalaga ay ang labis na  pagsisikap na matuto at nang sa hinaharap ay maka-sabay na tayo sa sayaw at hamon ng buhay.

*******

Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayang overseas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa IBC13 tuwing Huwebes, 11:30 ng gabi.

Bisitahin ang Facebook fan page: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO ANG LANGIT

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply