Sayaw ng buhay

ANG buhay ay isang sayaw, kung saan kinakailangan nating sumabay sa indak ng bawat pagsubok, damahin ang saya na dulot ng tagumpay at magpatuloy sa pag-indayog hanggang sa matapos ang musika na ating sinasabayan.

Sa dinami-rami na ring bansa na aking napuntahan ay aking napagtanto na talagang magaling ang Pinoy, natural sa atin ang pagiging masikap at matiyaga, gayundin ang pagkakaroon ng talento na karapat-dapat na kilalanin at hangaan.

Likas sa mga Filipino ang pagkakaroon ng talento na maaring ihanay sa mga tanyag at magagaling na performing artists sa buong mundo.

Nariyan si Cecile Licad na tanyag sa kanyang angking galing sa pagtugtog ng piano, si Lea Salonga sa kanyang mahusay na pagganap sa Miss Saigon at si Leonor Orosa Goquinco na mahusay sa larangan ng pagsasayaw at ngayon ay isa sa ating mga national artist.

Sa bansang Singapore ay nakilala ko ang dalawang tao na nagpakita kung paanong ang kanilang pag-indak at pagsabay sa sayaw ng buhay ay nakatulong upang sila ay magtagumpay sa pakikibaka sa malayong lugar.

Si Rose Borromeo na may-ari ng isang dance studio sa Singapore at si Angel Pangilinan na ngayon ay kilala bilang si Angel Gomez – isang mahusay na mananayaw ng mga Spanish dance.

Nasa Pilipinas pa lamang si Rose ay meron na siyang dance studio, katuwang niya noon ang kanyang kapatid na si Julie.

Dumating ang panahon na nabuksan para kay Rose ang isang oportunidad para makapagtayo ng isang dance studio sa Singapore.

oOo

Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan overseas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa IBC13 tuwing Huwebes, 11:30 ng gabi. Bisitahin ang Facebook fan page: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO ANG LANGIT. (ITUTULOY)

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply