SB

SA QC, pag sinabing “SB”, walang iba kundi si Feliciano “Sonny” Belmonte, dating Mayor, ngayon ay Congressman ng 4th District ng lungsod at Speaker ng House of Representatives.

Sa kanyang mga constituent sa QC, si SB lang siya dahil per-sonal ang turing ng mga taga QC sa kanya, isang miyembro ng komunidad na madaling lapitan, laging nakikita, laging nakakasama at nakakasalamuha.

Ang isa sa mga gustong ma-sabi ni SB tungkol sa kanya ng kanyang mga kababayan ay yung  lagi  siyang may panahon para sa kanila.

Mahalaga kay SB na malaman ng kanyang mga nasasakupan, ng kanyang mga kaibigan, na nakararating sa kanya ang mensahe ninoman na gustong ipaabot sa kanya.

Sa text, sa email, sa tawag sa telepono, maging sa mga sulat na dumarating sa kanyang opisina. Mula rin sa matibay na komunikasyong ito hinuhugot ni SB ang tapang ng kanyang liderato.

Political will ang tawag dito.

Hindi madaling maging Mayor. Samantala, si SB ang itinuturing na isa sa mga pinakamatagumpay na Mayor ng QC at ito ay dahil sa  kanyang political will.

Lahat ng dapat ipatupad basta sa kabutihan ng lahat ay iginigiit niya kahit pa minsa’y hindi ito popular at may mga tumututol.

Sa ilan sa kanyang mga malalapit na kaibigan, alam namin kung gaano rin magbiro si SB.

Mahilig pa yang magpasa ng mga text joke, na hindi mo akalain kung ibabase mo sa madalas na ekspresyon ng kanyang mukha na laging nag-iisip kaya parang laging nakakunot ang noo na madalas mapagkamalang suplado.

Bilang Mayor ng QC, iniayos ni SB ang financial health ng lungsod, pinairal niya ang tama at makabuluhang paggastos ng pamahalaang lungsod sa pera ng bayan.

Noong panahon ni President Cory Aquino, inatasan niya si SB na pamunuan ang ilan sa mga ahensya ng gobyerno na nagkaproblemang pinansyal at ito ay muling pinalakas ni SB.

Ang liderato ni SB bilang Speaker ng House of Representatives ngayong 15th Congress ay mahalaga para kay Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino dahil ang isang Kongreso na may kaparehong pakay sa nakaupong Pangulo ay

mahalaga upang maipatupad ang mga batas na para sa kapakanan ng bayan.

Mabuhay ka SB.

Happy birthday po!

Mag text po kayo sa akin sa 09209280847 o mag-email sa ariel.inton@gmail.com. Mahalaga sa akin na malaman ang inyong saloobin at opinyon tungkol sa isyung ito.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply