SC muling diriinggin ang kaso ng 1,400 napatalsik sa PAL

MULING diringgin ng Supreme Court En Banc ang kaso kaugnay sa pagpapatalsik sa trabaho ng 1, 400 na miyembro ng Flight Attendants and Stewards Association of the Philippines (FASAP).

Ito ay matapos bawiin ng Korte Suprema ang unang pasya ng second division kung saan pinababalik sa trabaho ang naturang mga empleyado ng Philippine Airlines (PAL).

Sinabi ni Supreme Court Administrator Midas Marquez na nagpasya ang en banc na bawiin ang naunang desisyon dahil sa ilang mis-application sa rules ng Korte Suprema.

Ayon kay Marquez, sensitibo ang kaso kung kaya ang mismong en banc na ang hahawak dito.

Kaugnay nito dumistansya muna ang Malacañang sa kontrobersyal na desisyon ng Korte Suprema kaugnay sa kaso ng FASAP.

Nababahala ang FASAP at tiwalang may paglabag ito sa Saligang Batas dahil biglang binawi ng Supreme Court (SC) ang nauna nitong ruling na nagsasabing iligal ang pagtanggal ng PAL sa halos 2,000 flight attendants.

Nagtataka ang FASAP kung bakit isang sulat lamang ni Atty. Estelito Mendoza, abogado ng PAL, ay biglang nagbago na ang ihip ng hangin.

Sinabi ngayong umaga ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hindi pa nito nababasa ang desisyon kaya tumanggi munang magkomento sa merito.

Pero ayon kay Lacierda, maging sila ay nahihiwagaan din sa desisyon at gusto na nilang malaman kung ano ang basehan ng mga mahistrado. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply