Scanners sa malls iginiit

DALA na rin sa naganap na mga insidente sa ilang kilalang malls sa bansa, muling iginiit ng isang mambabatas ang pagpapalagay ng x-ray security e-scanners sa entrances ng malls.

Ipinanukala rin ni Lanao del Sur Rep. Mohammed Hussein Pangandaman na gawing mandatoryo ang paglalagay ng x-ray scanners upang maiwasan na maipasok sa malls ang mga baril o anumang armas.

Ayon sa mambabatas, tumataas taon-taon ang nagaganap na krimen sa loob ng ilang malls. Nitong 2011, tatlong insidente ng pamamaril sa loob ng ilang malls, na ikinasawi ng apat katao ang naganap.

Pinakahuli ang isang insidente ng pamamarail sa loob ng isang mall sa San Fernando, Pampanga kung saan isang 13 anyos at isang 16 anyos ang nasawi.

Inihalimbawa pa ni Pangandaman ang naganap na pamamaril noong Hulyo 29, 2011 kung saan isang security guard ang namatay sa loob ng restroom ng isang shopping mall sa Iloilo City.

Nitong nakalipas na Setyembre 14, 2011, binaril naman ng isang babae ang asawa sa loob ng mall matapos iwan dahil sa ibang babae. Maging ang security guard na nagtangkang pigilan ang suspek ay nabaril at napatay din.

Noon naming Oktubre 2009, nilooban ng anim na armadong lalaki ang isang tindahan ng relos.

Layon aniya ng panukala na maprotekatahan ang interes ng publiko mula sa hindi resonableng pagkapkap.

Sa ilalim ng panukalang “Business Establishments Electronic Scanners Act of 2011,” ang lahat ng business establishments sa bansa ay kailangang maglagay ng x-ray security electronic scanner sa entrance door.

Habang ang mini-groceries, mini-marts ay kailangang magkaroon ng handheld metal detectors.

Ang sinumang lalabag dito ay maaaring makulong ng isang taon.

scanners sa malls iginiit

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply