Scavenger binoga sa Pasay

PATULOY na nagsasagawa ngayon ng malalim na imbestigasyon ang kagawad ng pulisya kaugnay sa pagkakapatay sa isang scavenger na binaril ng isa sa dalawang ‘di pa kilalang lalaki kagabi (Oktubre 13) sa Pasay City.

Sa kasalukuyan ay hindi pa malinaw sa mga imbestigador ang tunay na motibo sa pamamaril sa biktimang si Allan Alejandro, 39, residente ng Block 15, Lot-10 Atis st., Barrio Sto. Niño, Pasay City.

Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Cris Gabutin, ang madugong insidente ay naganap dakong alas-10:40 ng gabi habang biktima kasama ang isang nagngangalang Romeo Lumawag ay nakasilong sa isang sari-sari store dahil sa malakas na buhos ng ulan.

Nagpa-alam si Lumawag sa biktima upang igarahe ang kanyang motorsiklo sa kanilang bahay ilang metro lamang ang layo sa tindahan.

Ilan minuto ang nakalipas nang maka-alis sa kinaroroonan ng biktima, isang malakas na putok ang umalingawngaw at nakita na lamang na nakabulagta ang biktima na may tama ng bala sa ulo.

Ayon sa nakalap na impormasyon, dalawang lalaki na magka-angkas ng motorsiklo ang dumaan kasabay ng malakas na putok na umalingawngaw sa naturang lugar. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply