School sem break, simula na bukas – DepEd

INIHAYAG ng Department of Education na bukas, Oktubre 26 pa lamang opisyal na magsisimula ang semestral break ng mga high school at elementary student sa pribado at pampublikong paaralan.

Gayunman, pinayuhan ng ahensiya ang mga opisyal ng mga paaralan na dapat siguruhing makakamit ang  180 teaching and learning days.

Base sa inilabas na memorandum ni DepEd Secretary Bro. Armin Luistro, mandatory ang 180-araw na teaching-learning ng bawat estudyante at guro para sa isang school year.

“For schools which suffered from class interruption due to typhoons and other natural calamities, the local DepEd officials must find way to make up for the missed school days and ensure that they abide by what is prescribed in the DepEd calendar of activities,” ani  Sec. Luistro.

Binanggit ng kalihim na ang 22-araw sa 202-school days ay sadyang nakalaan para sa pagdiriwang ng national at local events, pagsasagawa ng achievement test at class suspensions.

“Public schools are entitled to semestral break which starts on October 26 and ends on November 2. Classes will resume on November 3,” ayon sa DepEd Memo No. 28 series of 2011.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply