Sec. Mar Roxas lusot na sa CA

NAKALUSOT na sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) si Transportation Secretary Mar Roxas.

Ayon sa mga miyembro ng nasabing komisyon, kwalipikado si Roxas para maging kalihim ng Department of Transportation and Communications (DOTC).

Puspusang trabaho naman ang ipinangako ni Roxas matapos na makuha ang basabas ng CA.

Tiniyak rin niya na gagawin niya ang lahat upang maging ligtas ang biyahe ng mamamayan sa lahat ng transportasyon sa bansa.

Mahigpit ring nagbilin si Roxas sa Philippine Coast Guard (PCG) na huwag payagan ang mga maliliit na bangka na maglayag sa karagatan lalo na kung may bagyo katulad ngayong nananalasa ang bagyong Ramon.

 

 

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply