Seguridad sa ‘long weekend’ pinasisiguro

PINASISIGURO ng Malakanyang sa Philippine National Police (PNP) ang seguridad ng publiko, sa mahabang weekend dahil sa paggunita ng publiko ng All Saints’ at All Souls’ Day.

Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, inilatag na umano sa Palasyo ni PNP chief Director Gen. Nicanor Bartolome ang mga paghahanda ng kapulisan para sa nabanggit na okasyon.

Kabilang na rito ang pagpapaigting ng checkpoints at police visibility sa mga pampublikong lugar, partikular sa bus terminals, airports at seaports.

Una nang idineklara ng Pangulong Benigno Aquino III na non-working holiday ang October 31, araw ng Lunes.

Ang All Saints’ Day ay natapat sa araw ng Martes.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply