Sekyu inagawan ng baril, iginapos

ISANG security guard sa Naga City ang inagawan ng kanyang service firearm at saka ito iginapos.

Base sa imbestigasyon ng pulisya ng lungsod ng Naga, dalawang lalaki umano ang pilit na kinuha ang baril ng hindi pinangalanang sekyu at saka ito iginapos at nilagyan ng tape ang bibig.

Nakuha sa sekyu ang kanyang calibre .38.

Napag-alaman na ang naturang guwardiya ay naka-duty kagabi sa isang kilalang establisimiyento na matatagpuan sa Magsaysay Avenue sa naturang lungsod.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply