Sekyu tinaniman ng bala sa ulo, todas

PATAY ang 19-anyos na security guard, matapos malapitang barilin ng isa sa dalawang suspek na lulan ng tricycle sa Sampaloc, Manila kaninang madaling-araw.

Kinilala ang biktimang si Neil Palaca Taca,tubong Loctob, Valencia Bohol at residente ng United Bayanihan, San Pedro Laguna.

Samantala, patuloy ang pangangalap ng testigo sa pagkakilanlan sa dalawang suspek na lulan ng kulay itim na tricycle at armado ng hindi pa batid na kalibre ng baril, na mabilis na tumakas.

Batay sa ulat ni Det. Giovanni Valera kay P/Sr. Insp. Joselito “Joey” de Ocampo, hepe ng Manila Police District- Homicide Section, dakong 2:00 ng madaling- araw nang maganap ang insidente sa panulukan ng S.H. Loyola at Moret Sts., sa Sampaloc.

Bago ang nasabing insidente ng pamamaril, bandang 9:00 ng gabi nang magtungo ang biktima kasama ang ilan pang security guard sa Shot grill Beerhouse sa S.H. Loyola St.

Inabot ng madaling-araw, at habang naglalakad na papauwi si Palaca, kasama ang isang Romnick Balauro, na isa ring sekyu, nang biglang sumulpot ang dalawang suspek at saka malapitang binaril sa ulo ang biktima.

Humandusay si Palaca, at isang Aldom Larobes, na security officer ng RGV Investigation Detective Security Agency ang nakakilala sa bangkay ng biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply