Self-made millionaire sa bansang Singapore

NAGTAYO si Lila Macapinlac ng isang employment agency na nasundan ng pagtatayo niya ng isang travel agency. “Kasi if you have HR or employment agency, the second thing kasi is they have to travel. So that’s where I got the idea to establish my travel agency also,” dagdag na paliwanag niya.

Sa tulong ng mga kaalaman na kanyang natutunan mula sa kanyang dating boss at pinagtatrabahuhan at base na rin sa kanyang sariling karanasan ay nagtagumpay si Lila, sa kabila ng kakulangan sa pinansiyal na aspeto.

“I don’t have that much capital as what they said but through my courage and hard-work day and night, I managed to succeed.”

Ayon kay Lila, napakalaking pagbabago ang inihatid sa buhay niya ng kanyang tagumpay sa Singapore.

Kung noon ay kapakanan lamang ng pamilya niya ang kanyang iniisip at inaalala, ngayon ay nabigyan siya ng oportunidad upang makatulong sa iba, na isang biyaya niyang maituturing sapagkat hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng pagkakataong ma-katulong sa kapwa. “I keep telling my husband I would rather go and keep on earning much to help more,” dagdag na salaysay niya.

Hindi naging madali para kay Lila ang umunlad at umangat sa buhay subalit dahil sa pagsisikap at positibong pananaw ay nagawa niyang umahon mula sa kahirapan.

Ang daan patungo sa tagumpay ay hindi madali ngunit kung tayo ay naniniwala na makakamit natin ito at ginagawa natin ang lahat para dito, hindi imposible na balang araw ay atin itong maabot. “If you decide to succeed, kahit na anong obstacle ang darating, kaya mo yan.”

‘Yan ang mga katagang naiwan sa akin matapos ang aking panayam kay Lila Macapinlac – isang matagumpay na Pinoy sa Singapore.

*******
Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan overseas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa IBC-13 tuwing Huwebes, 11:30 ng gabi. Bisitahin ang Facebook fan page: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO ANG LANGIT.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply