Self-made millionaire sa Singapore

“SUCCESS is based on hardwork.” Ito ang mga salitang binitiwan ng Pinay na si Lila Macapinlac – ang self-made millionaire ng Singapore.

Si Lila ay anak ng isang mangingisda at lumaki sa payak na lalawigan ng Zambales, ang kanilang pamilya ay may simple at tahimik na buhay. Dahil sa pagsusumikap ng mga magulang niya ay nakapagtapos siya sa kolehiyo ng kursong Chemical Engineering.

Bagamat nakapagtapos ng pag-aaral at isang inhinyero ay hindi naging madali para kay Lila ang paghahanap ng trabaho, hanggang sa isang kaibigan ang nagpayo sa kanya na mangibang bansa upang doon hanapin ang kapalaran.

Nakarating siya ng Singapore subalit hindi niya inasahan na kung dito sa Pilipinas ay mahirap humanap ng trabaho ay dobleng hirap pala ang kanyang mararanasan sa paghahanap ng trabaho sa Singapore.

“Singapore government doesn’t allow foreigners they are not open, we really cannot get our pass,” kuwento niya sa akin.

Dagdag na pagsubok din para sa kanya ang pag-aadjust sa pamumuhay sa isang banyagang lupain na gaya ng Singapore.

Subalit dahil sa labis na determinasyon na magtagumpay at dahil na rin sa kanyang likas na positibong pananaw kung kaya’t pina-sok ni Lila maski ang trabaho na wala sa linya na kanyang tinapos. “So there’s one couple na nag hire sa akin. I’m an engineer but I went to an admin job,” aniya. Apat na taon ding nanatili si Lila sa kanyang nakuhang hanapbuhay bago siya tuluyang nagkalakas ng loob na magtayo ng sarili niyang negosyo.

Nagtayo siya ng isang employment agency na nasundan ng pagtatayo niya ng isang travel agency. “Kasi if you have HR or employment agency the second thing kasi is they have to travel. So that’s where I get the idea to establish my travel agency also,” dagdag na paliwanag niya. (ITUTULOY)

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply