Sen. Jinggoy: Hulihin at kasuhan ang mga pumaslang sa mga mediamen

SINABI ni Sen. Jinggoy Estrada na dapat din tutukan ng Malakanyang ang paghuli at paglilitis sa mga taong sangkot sa pagpaslang sa mga mediamen.

Lumabas ang pahayag ng senador matapos mapag-alaman nito ang 2010 report ng New York-based Committee to Protect Journalists na umabot na ng 70 mga media personalities ang napaslang simula noong taong 1992.

“President Aquino personally announced that the government intends to file numerous charges before the end of the year in relation to the uncovered anomalies and graft practices of the past administration. I personally urge our President to also run after and prosecute personalities behind heinous media killings,” ayon kay Estrada.

Ang pinakahuling media personality na biktima ay si Johnson Pascual, isang editor sa lalawigan ng Isabela.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply