Sen. Santiago sa ICC suportado ni Castelo

ISANG resolusyon ang isinusulong ngayon ng isang kongresista para suportahan ang nominasyon ni Sen. Miriam Defensor-Santiago para sa pagiging hukom ng International Criminal Court (ICC).

Sa House Resolution 1737 ni Quezon City-2nd district Rep. Winston Castelo, dapat aniyang bigyang suporta ang nominasyon ng senadora dahil isa itong malaking karangalan para sa mga Pinoy kung mapipili ang senadora sa nasabing international body.

Kung sa karanasan at kakayahan ng senadora ang pag-uusapan, maituturing na ang pagiging kwalipikado nito sa ICC.

Bukod aniya sa matagal na panunungkulan bilang mambabatas, naging huwes na rin ito at may sapat pang kaalaman sa international law.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply