Senate probe vs MVP sa DBP loan ibinasura

ISINARA na ni Senate President Juan Ponce Enrile ang pagkakataon na igisa sa Senate Blue Ribbon Committee si Manny V. Pangilinan, may-ari ng PLDT at Smart, hinggil sa iniimbestigahang P660 milyong ipinautang ng Development Bank of the Philippines (DBP) kay Roberto Ongpin.

Sa panayam matapos ang pagdinig ng Blue Ribbon Committee, sinabi ni Enrile na hindi nararapat na ipatawag si Pangilinan hinggil sa naturang transaksiyon sa DBP dahil “wala naman siyang kinalaman” sa inutang ni Ongpin, kundi siya lamang ang bumili ng 50 milyong stocks ng bangko sa Philex Mining Corporation.

“Tanging si Ongpin lamang ang nakaalaam nito. Kaya  walang kinalaman si Manny Pangilinan. He is only the buyer. He (Pangilinan) said to Ongpin, that this is the only price he is willing to pay (for the Philex shares),” paliwanag ni Enrile.

Katunayan, ayon pa kay Enrile, hinihimok ni Ongpin si Pangilinan na bilihin ang sapi ng Philex sa halagang P27 kada sapi na tinanggihan ng telecom mogul at tumindig sa unang alok nitong P21 kada sapi.

“In fact, Ongpin is asking for P27 per share but he (Pangilinan) said, no I cannot accept that, I will only pay P21 per share,” ayon kay Enrile.

“And then I understand he and Ongpin shook hands, and Ongpin started accumulating shares for the P510 million loans from DBP,” dagdag pa niya.

Sinabi pa ni Enrile na pagkatapos mag-usap nina Ongpin at Pangilinan, nagsimulang kopoin ni Ongpin ang halos lahat ng ibinebentang shares ng Philex matapos maibigay ng DBP ang pautang utang sa dating ministro na nagkakahalagang P150 milyon.

“Tapos na yata iyong P150 million loans from DBP,” ayon kay  Enrile.

Sinabi pa ni Enrile na hindi naman nakontrol o kinontrol ni Pangilinan ang Philex sa pagbili nito ng 50 milyong sapi ng DBP sa kompanya sa pamamagitan ni Ongpin noong June 2009, bagkus nakuha lamang ang kontrol sa kompanya noong Disyembre ng 2009.

Naniniwala rin si Enrile na nalalaman ni Reynaldo David, dating presidente ng DBP na nagkakamal ng sapi si Ongpin mula sa Philex at ibebenta niya ito sa mas malaking halaga mula sa orihinal na P12.5o0 kada sapi nang bilhin nito sa DBP.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply