Senator Bong desidido kay Shamcey ‘5M’ Supsup!

PROUD and excited na ibinida ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. ang naglalakihang mga artista na magkakaroon ng special guest appearance sa December filmfest entry ng Imus Productions at GMA Films, ang “Panday 2.” Kabilang Dito si Lorna Tolentino na gaganap na witch, si Lucy Torres na ayaw sabihin ni Sen. Bong ang role pero duda namin isa siyang sirena, Alice Dixson at Eddie Garcia.

By this time, posibleng nakapag-shoot na sa Underground River sa Palawan si Sen. Bong kasama ang isa sa leading ladies niya sa Panday 2 na si Marian Rivera. Nanawagan din si Sen. Bong na suportahang nating mga Pinoy ang kampanya para mapabilang sa Wonders of the World ang Underground River sa Palawan.

Nilinaw naman ni Sen. Bong na hindi sa ginagawa niyang fantasy movie gusto niyang makasama si third runner-up Miss Universe na si Shamcey Supsup. Plano niya sa susunod na pelikula niya makapareha ito.

But the thing is, naka-kontrata pa raw si Shamcey sa Binibining Pilipinas, Inc. until next year. P
ero mukhang ayaw rin daw nitong mag-artista.

“Hihintayin natin ‘yung tamang panahon for that. Pero ako, gusto ko siyang makasama,” ngiti ni Sen. Bong.

May tsika naman na naningil daw ng P5 million na talent fee si Shamcey na kinawindang ng kampo ni Sen. Bong. Hindi naman siguro totoo ‘to or pwede rin namang kaya siya nagsabi ng P5M ang TF para turn-off ang kukuha sa kanya dahil ayaw nga ni-yang mag-artista.

-ooOoo-

TINANONG namin si Vice Ganda sa solo presscon niya para sa promo ng nalalapit na pagpapalabas ng second big movie niya sa Star Cinema at Viva Films na Praybeyt Benjamin on October 26 kung ano pa ang natitirang pribadong bagay sa kanya na ‘di pa alam ng publiko.
Sinagot naman ni Vice at ito raw ay ang kanyang lovelife.

Hayaan na lang daw siya pagdating sa kanyang tahimik na lovelife and so far okey na okey naman sila ng boyfriend niya. Itinanggi ni Vice na member ng volleyball team ng FEU (Far Eastern University) ang boyfriend niya. Pero sinusuportahan ni Vice ang basketball team ng dati niyang alma mater, ang FEU.

Bongga rin si Vice dahil na-let go na niya ang galit sa tao at pamilyang pumatay sa kanyang tatay sa lugar nila nu’ng bata siya sa Manuguit, Tondo. Kasakulukuyang naka-pwesto sa barangay sa lugar nila ang member of the family na pumatay sa kanyang ama. Ang ginawa ni Vice nag-concert siya at ang kinita doon ay ipinang-patayo niya ng basketball court sa lugar nila.

Tandang-tanda kasi ni Vice na nu’ng bata siya, ang tatay niya ang punung-abala noon sa paglagay ng basketball court sa lugar nila. Patuloy ang paggawa ng kabutihan ni Vice kaya ‘di kataka-taka na lalong binibiyayaan siya.

Bukod d’yan, hindi rin nagpabayad ang host ng Showtime ng kanyang talent fee sa nalalapit na concert na gagawin niya sa Metro Bar sa West Avenue, QC on November 18, Friday titled Private Vice Revealed!

Bagkus ay ido-donate niya sa Haus Child at Breast Cancer Foundation ang kanyang talent fee sa naturang concert. Kaya naman para suportahan si Vice for his very noble doing, e, bumili na kayo ng ticket sa halagang P700. Tumawag lang sa numerong 0917-8878902 bago magkaubusan ng ticket.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply