Sex worker nadenggoy na pinatay pa

NADAKIP ng awtoridad ang isang construction worker nang patayin nito ang inupahang commercial sex worker dahil sa pinagtalunang bayad na P500 sa serbisyo na ibinigay sa kanya.

Natagpuan ang bangkay ng guest relations officer (GRO) na kinilala lamang sa pangalan na alyas “Gina” sa katabing ilog sa Barangay Pandan sa lungsod ng Naga sa Southern Cebu.

Agad namang naaresto ang suspek na si Alfredo Largo, 27, residente ng Barangay Jaguimit.

Sa imbestigasyon ni P02 Jeremias Geromo, ng Naga City police,  sinabi ng suspek na matapos makuha ang kanyang sweldo ay nakita niya ang dalaga sa daan at niyayang uminom at mag-hotel.

Subalit dahil sa kakulangan ng pera sa katabing ilog na lamang nito dinala ang biktima at doon pinangakuan ng P500 para sa kanyang pansamantalang kaligayan.

Matapos ang kanilang pagtatalik, P200 lamang ang naibigay ng suspek sa halip na P500 na una na nilang napagkasunduan.

Kaya naman nagtalo ang dalawa hanggang sa mahulog sa katabing ilog at doon nagkaroon ng pagkakataon ang suspek na lunurin ang biktima hanggang sa mamatay.

Kinabukasan matapos na makita ang bangkay ng biktima, agad naman na nagsumbong ang habal-habal driver na naghatid sa dalawa at itinuro ang bahay ng suspek na agad namang sumuko sa pulisya.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek habang nasa St. Francis Funeral Homes naman ang bangkay ng biktima. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply