Shaina Magdayao imbiyerna pa rin sa mga ex ng BF na si John Lloyd Cruz

HANGGANG ngayon ay wala pa rin palang confidence sa sarili itong si Shaina Magdayao para sa kanyang boyfriend si John Lloyd Cruz. Kung tutuusin, wala na namang dapat pang ika-insecure si Shaina sa mga babaeng umaali-aligid pa sa kanyang Papa Loydie dahil mahal na mahal naman siya nito. But sad to say, walang kumpiyansa sa sarili niya ang nasabing young actress dahil recently lang nang makita raw nito ang ex-girlfriend ni John Lloyd na si Ruffa Guttierez sa anniversary concert ni Vina Morales.

Hayun at umandar na naman ang pagkaselosa nito kung saan ni sulyap ay hindi raw talaga tiningnan nito si Ruffa.

Sa birthday bash naman ni Bea Alonzo kung saan pareho rin silang dumalo ni Loydie, umirap naman daw ang youngstar nang ma-sight naman nito ang dating nobyang sikat na stylist ng boyfriend na si Liz Uy. Well, ang dapat sigurong gawin ni Shaina ay huwag siyang nagpupunta sa mga event para maiwasan niya na makita ang mga past girlfriend ni Loydie.

***

Aljur Abrenica ayaw magpasilip sa gym

DAHIL alam raw ni Aljur Abrenica na maraming silahis sa favorite nitong puntahang gym at karamihan sa mga ito ay gusto siyang silipan, ang ginagawa raw nito pagkatapos niyang mag-ensayo, instead na maligo sa shower room ay naglalagay na lang siya nang pulbos sa buong katawan nang hindi matuyuan ng pawis. Alam daw kasi ng sikat na hunk actor na kapag naligo siya sa gym ng hubo’t-bubad ay maraming mata ang luluwa sa oras na ‘yon. Aba wais gyud! (May masa-sight ba naman te? Hahahahaha! – Ed)

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply