Shalala madedemanda dahil sa pagmumura

MALAKING palaisipan sa ilang press na naimbita sa Paparazzi ng TV5 nitong Linggo ang isyu tungkol kay Shalala na maluha-luha habang nagsasalita sa isang interview sa kanya na ang naging ending ay ang pagso-sorry kina GB Sampedro, ang direktor ng nasabing show at kay Daiana Menezes.

Kung tama ang aming nasagap, may episode ang Juicy noong nakaraang linggo kung saan nagmura ang komendyanteng host and take note, on national TV yet. Thank God, taping ang nasabing episode kaya na-edit out ang nasabing pagmumura.

Hindi kami sure kung nag-ugat ang pagmumura sa blind item ni Shalala na umabot kina GB at Daiana at sa takbo ng pangyayari ay alam ng dalawa lalo na ang huli na sila ang pinatutungkulan.

Sa puntong ito ay nag-react si Daiana at base sa napanood sa Paparazzi ay hindi niya lubos maisip na gagawin yun ng comedian/host sa kanya dahil kung ano ang laman ng BI ay lambing lang nito sa kanyang syotang direktor. Ang ipinagdurugo pa ng kanyang puso ay magkumpare pa sila nang nag-Born Again Christian ang dalagang Brazilian.

Usap-usapan tuloy ng ilang press pagkatapos ng show na lumaki na ang ulo ni Shalala at nagpa-power tripping ito. Hindi naman nakapagtataka na magkaroon ito ng attitude problem dahil kahit si German Moreno na kanyang mentor ay nakatanggap din nang panlilibak na idinadaan sa BI.

Isang reporter ang nagkaroon ng pagkakataong naka-usap si Direk GB at ayon dito, ipinauubaya na nila ang kanilang gagawing legal action laban kay Shalala sa kanilang abugado. Ang tanging magagawa ng comedian/host para hindi siya mademanda ay humingi ito ng public apology na siya namang ginawa nito sa kanyang interview sa Paparazzi.

So, di na madedemanda si Shalala?

Anyway, may isang reporter ang sobra kung mag-react dahil nalaman nitong isang araw lang daw itong mawawala pansamantala sa Juicy. (Hahahahaha! Don’t worry, dahlin’, next time around, ‘yung show na raw mismo ang mawawala! Hahahahahaha! – Ed) Ipinagdidiinan nito na dapat isang buwan ang maging parusa or better yet, tanggalin na siya sa programa.

Kunsabagay, dapat alam ni Shalala na kahit matagal na nitong kaibigan si Direk GB ay mawawala sa isang iglap ang kanilang pagkakaibigan dahil sa kanyang ginawa.

Dapat alam din ni Shalala kung paano kontrolin ang emosyon on a certain situation. Dapat alam nito na nasa harap siya ng TV camera o maging sa radyo man, may limitasyon siya sa kanyang pananalita para hindi siya makasakit ng damdamin nang mga manoood o nakikinig sa kanya sa radyo.

A lesson learned indeed!

***

Nora Aunor’s mini serye poor showing sa Metro Manila pero panalo sa probinsya?

TOTOO bang naka 4.3% rating lang ang “Sa Ngalan Ng Ina” sa pilot telecast nito noong October 3 base sa report ng AGB Nielsen Philippines Mega Manila People Rating?

Parang hindi kapanipaniwal dahil base sa mainit ng pagtanggap sa Superstar noong kanyang pagbabalik, sa airport pa lamang ay masasabi nating panalo ang TV5 sa kanilang ginawa.

Sa aming radio program, ang Showbiz Na Showbiz over DZME 1539 Khz, we recieved text messages na nagrereklamo dahil hindi napapanood ng mga elderly Noranians, lalo na ang seniors, ang nasabing palabas ng Superstar dahil gabing-gabi na ito nagsisimula.

Sabi nila, nakatutulugan nila ang kanilang paghihintay. May solusyon naman ang mga taga-probinsya dahil maaga silang natutulog at gumigising ng alas-9:00 ng gabi.

Ito kaya ang solusyon kaya humahataw umano ang miniserye ng Superstar sa probinsya at naiikumpara daw ito sa rating ng boxing telecasts ni Manny Pacquaio nationwide?

May mga email din kaming natatanggap na galit dahil dapat daw ay bigyan ng prayoridad ang show ng Superstar dahil tatakbo lang naman ito ng isang buwan.

Sa puntong ito, wala tayong magagawa dahil nakapako na sa kanyang oras ang “Wil Time Big Time” ni Willie Revilla.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply