Shalani Soledad ayaw nang sakyan ang mga patutsada ni Willie Revillame

KAPUNA-PUNANG naggu-glow si Shalani everytime lumalabas siya on TV for the daily game show, Wil Time Big time, with co-host Willie Revillame.

So far, ganun pa rin ang hosting style ni Shalani, mabagal, pero this time, para lang siyang nasa alapaap. Yun bang one smile says it all, walang duda, walang pasidlan ang kaligayahang nadarama niya sa ngayon.

Ang nagagawa nga naman ng pag-ibig!

May panangga na rin siya kay Willie tuwing tinutukso siya nitong akala raw ba niya, between them, wala nang iwanan. Maiksi pa rin lagi ang mga tugon niya, pero this time na, kulang na lang ay sabihan na niya si Willie na tigilan na siya nito kung sakali mang nagkaroon siya ng pitak sa puso niya. Na dahil nga nakasanla na ang puso kay Cong. Roman, wala ng puwang ang mga patutsada ni Willie Revillame.

One of these days, repeat, one of these days, pangako nina Shalani at Cong. Roman, they will call on their mutual friends from the entertainment press to share with them their plans for their upcoming wedding which will certainly take place next year.

Nga pala, hindi lang kay PNoy, her ex-boyfriend, nagpapasalamat si Shalani Soledad para sa wishes nito for her and her would-be groom, Pasig Congressman Roman Romulo, but to everyone who did the same.

Cong. Roman also thanked the President for his gesture. And since all three of them move in the same circle, politics, that is, ’di nakapagtataka if Cong. Roman and Shalani invite P-Noy to their wedding.

Dumalo naman kaya ang presidente?

***

Matuto kang magpasalamat Toni Gonzaga!

NAGDAAN sa maraming intriga bago nairaos ang concert ni Toni Gonzaga sa Smart-Araneta Coliseum.

Noong una, maliit lang daw na artista si Toni na hindi kayang punuin ang naturang lugar. Pero mali yun dahil nga punung-puno ang naturang concert. Ang sumunod,
kesyo namigay daw sila ng maraming libreng tikets kaya napuno ang lugar.

The height naman di ba?

Gumastos ng ganun kalaki ang tatlong producer na magkakasosyo, tapos ganun lang, ipamimigay ang mga tiket, hello, nasa katinuan ba sila?

Ngayon nga, nakahinga na nang maluwag si Toni Gonzaga dahil nairaos ito nang bongga.

Napuno lang naman ni Toni ang Big Dome na as we all know, iilan lang local artists ang nakapupuno nito.

Nagpapasalamat nga si Toni Gonzaga, pero gaya nung una, di man lang niya mabanggit kahit na pangalan ng isa sa mga producer niya o yung produkto nila. Alam naman siguro ni Toni na isa sa mga producer ay ang Erase Placenta na siya rin ang endorser. Kung bakit parang nandidiri ito na banggitin man lang ang pasasalamat. Take note, that every time na nagpapasalamat si Toni sa TV, maging sa mga press conferences nila, di talaga niya isinasali ang Erase Pacenta na si Louie Gamboa ang may-ari. To think na ipinagmamalaki siya ng naturang kompanya na ganun na lang ang katuwaan para sa suwerteng dumating kay Toni Gonzaga.

Pero walang kibo ang kampo ng Erase Placenta. They do not want to make big things out of mole hills kaya ayan, kami na lang ang gustong magpaala kay Toni Gonzaga na may mga bagay siyang dapat ipagpasalamat kay Loiue Gamboa at sa Erase Placenta.

Bigyan naman niya ng importansiya yung tao na kahit paano, naglagay ng malaking puhunan, and that in itself ay makaling suporta kung bakit nagtagumpay ang concert nila.

Before the concert, aminado ang aktres-TV host-singer na kinabahan siya at nagkaroon ng takot na baka hindi niya mapuno ang Araneta.

Ang buong August at September ay ginugol niya sa paghahanda at pagko-concentrate sa concert to the point na nagpaalam siya sa “Happy Yipee Yehey” na hindi na muna makakasama sa mga meeting.

Ngayong tapos na ang concert, saka pa lang daw niya mahaharap ang lahat ng dapat harapin.

Back to normal, kumbaga.

“Kaya nu’ng natapos ang concert, kinausap ako ni Direk Laurenti Dyogi (business unit head at direktor ng Pinoy Big Brother) sa dressing room, sabi niya sa akin, ‘okay ka na? Nakakahinga ka na?’

“Sabi ko, ‘yes lolo, nakaraos na po.’ Tapos sabi niya, ‘o sige, next week, mag-uusap na tayo.’

“Sabi ko, ‘tungkol saan?’ Sabi niya, ‘sa lahat.’ I-explain niya raw lahat. Siguro, pati ’yung kapalit (ni Mariel bilang isa sa hosts).”

Dahil nga sa pag-alis ni Mariel, tiyak na magkakaroon ng malaking pagbabago sa PBB at sabi ni Toni ay wala pa siya talagang idea kung ano ang mangyayari dahil mag-uusap pa lang sila ni Direk Lauren.

Haharapin na rin ni Toni ang renewal ng kontrata niya sa ABS-CBN kaya makikipag-meeting din siya sa management this week.

Ang dream niya ngayon, movie with Piolo Pascual dahil hindi pa niya ito nakakasama sa pelikula.

“Imagine, nang nagsimula ako, siya ang kasama ko sa commercial. Siyempre, gusto ko rin siyang makasama sa pelikula. Actually, akala ko nga, paglipat ko sa
ABS-CBN, ’yun ang unang-una kong magiging movie, eh, dumating si Sam (Milby), na-delay nang na-delay.”

Pero hopefully, next year, matuloy na rin ang movie nila ni Piolo at baka nga raw ito ang pagmitingan nila ng Star Cinema.

Samantala, sa mga hindi nakapanood ng concert ni Toni sa Smart Araneta, may chance pa kayo dahil ipalalabas sa October 9, Sunday, ang Toni @ 10 sa Sunday’s Best ng ABS-CBN.

At tiyak, isa ang Erase Placenta sa mga advertisers diyan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply