Sharon lilipat na sa Kapatid Network

USAP-USAPAN na ang tungkol sa paglipat ni Megastar Sharon Cuneta sa TV5. Wala na raw kasing kontrata si Mega sa ABS-CBN. And then, magtatapos na ang kaisa-isa niyang programa sa Kapamilya Network na “The Biggest Loser” on October 8, plus, ‘di na rin daw napanonood ang show niya sa Lifestyle Channel ng ABS-CBN.

Kasalukuyang nasa Europe ngayon si Sharon at kasama rin daw ang binalikan niyang manager na si Vic del Rosario ng Viva Films. May tsika na roon daw pag-uusapan ang content ng kontrata ni Sharon pati na ang show na gagawin niya sa Kapatid station. Posible rin na roon na rin sila i-meet ng mga executive ng TV5 para sa saraduhan ng usapan and then pirmahan na ng kontrata.

Pero hindi naman daw dapat mag-worry ang fans ni Mega sa usaping pelikula niya for Star Cinema, pwede pa rin namang gumawa ng movie si Mega for the said movie outfit since nagko-co-prod naman sila ng Viva Films na ang pinakahuli nga ay ang pinipilahan sa mga sinehan ngayon na “No Other Woman” starring Anne Curtis, Cristine Reyes and Derek Ramsay, at susunod naman ang “Praybeyt Benjamin” ni Vice Ganda on October 26.

Balitang-balita na sa January 2012 na ang paglipat ni Mega sa TV5 at sa Kapatid Network na nga raw magsi-celebrate ng kanyang 46th birthday sa January 6.

For sure, sasagutin ni Mega ang isyu ng lipatan pagdating niya ng Pinas sa announcement ng winner sa The Biggest Loser na magaganap sa Ynares gym sa Antipolo on October 8.

-ooOoo-

No less than the international award winning director na si Brillante Mendoza ang namahala ng unang episode sa one-month long celebration ng 20 years ng longest drama anthology sa kasaysayan ng Philippine television na ipapalabas ngayong gabi, ang “Maalaala Mo Kaya.”

Idinirek ni Brillante ang Palawan episode ng Maalaala Mo Kaya na ang kwento ay tungkol sa isang volunteer na napakalaki ng participation sa pananatili ng kagandahan ng isa sa maituturing na may pinakamalaking yamang-kalikasan hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Ito ang kauna-unahang episode na ginawa ni Direk Brillante para sa programa ni Ms. Charo Santos sa panulat ni Ruel Montanez na pagbibidahan ni Angel Aquino with the support of Yul Servo, Miles Ocampo at Paul Salas. This is another episode ng Maalaala Mo Kaya in their 20 years of existence na for the books, ika nga. Kaya it’s a big no, no na palampasin ito ngayong Sabado ng gabi sa Kapamilya network.

-ooOoo-

NAG-LEVEL UP, mas glitzy at moderno na ang Saturday showbiz-orientd talk show ng ABS-CBN na Entertainment Live! hosted by Bianca Gonzales, Nikki Gil, Ogie Diaz at Luis Manzano. Kasama sa transformation ng show ay ang mga bonggang segments. Nawala man ang blind item portion ni Ogie pero pinalitan naman ito ng ‘Tagged’ kung saan inire-reveal at ibinabalita ang mga kontrobersiyal na istorya tungkol sa mga artista.

Kung freshness naman ang pag-uusapan, and’yan ang bagong segment na ‘Profile Pick’ kung makikilala nila ang mga promising young talents ng ABS-CBN. Exciting din ang ‘Exclusive Silip’ segment ni Luis kung saan dumadalaw siya sa mga set ng ABS-CBN shows.

At ang siguradong magiging paborito ng lahat especially ng TFC subscribers all over the world ay ang ‘Whip Around.’

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply