Shawie may napatunayan kaya wala nang balak umalis sa ABS CBN?

MAY statement na si Sharon Cuneta sa napababalitang iiwan na niya ang ABS-CBN 2 at next year ay magiging kapatid na siya. Napabalitang susunod siya sa TV5 kina Aga Muhlach, Lorna Tolentino.

“Ang dami kong naririnig na mga tsismis, pero wala pa naman akong nakakausap. At this point in my career, I don’t see yet any reason to leave ABS-CBN. I love Ma’am Charo (Santos-Concio, ABS-CBN president and COO) very much,” sey niya sa isang interbyu.

Although sinabi rin ni Sharon na bukas siyang makinig sa ibang tao na nais siyang offer-an ng mas marami pang oportunidad.

Ang Megastar ang main host ng magtatapos nang reality show ng ABS-CBN, ang  “The Biggest Loser Pinoy Edition,” ngayong gabi.

***

NAGKAKASAKIT si Lovi Poe pag nababago ‘yung sistema ng pagtatrabaho niya. Ito ay dahil daw sa sunud-sunod niyang trabaho at biglang pagpapahinga.

“Na-overfatigue. Biglang pahinga from super-trabaho, tapos bigla akong magpapahinga…

“Tatlong beses na ‘yon nangyari, pagka tuloy-tuloy ‘yong trabaho.

“Like, months na work then biglang pahinga, bumababa bigla, naninibago ‘yong katawan ko,” sey niya nang makatsikahan namin sa presscon ng ‘Aswang’ under Regal Films na ipalalabas sa November 2.

Tampok rin dito sina Paulo Avelino, Jillian Ward, Bembol Roco, Joem Bascon, Lara Quigaman, Niña Jose, Mark Abaya at introducing si Albie Casiño.

Bagamat nag-react na si Lovi tungkol sa ‘bala’ issue kay Jake Cuenca at kay Ronald Singson, naniniwala siya na hindi magagawa ni Ronald ‘yun.

At baka may next na padadalhan ng bala dahil kinikilig si Lovi na makakasama niya sa pelikula si Jericho Rosales sa “Yesterday, Today and Tomorrow.”

“Dream come true!” deklara ni Lovi.

“Finally, ang aking sixth-grade crush ay makakapareha ko na—si Jericho Rosales!

“Pero kasi, super fan ako ni Jericho.

“So, ayun, I’m so happy.

“Kumbaga, ‘yong paghanga ko sa kanya is in terms of acting and his looks, ganoon.”

Pero nang tanungin paano kung manligaw sa kanya si Jericho, ang mabilis na sagot ni Lovi ay: “No, I won’t explain why, but no,” sey niya.

“Ha, because… Basta, no. Basta I’m really excited lang na makatrabaho siya,” aniya

Sige at talbog!

***

BIGLANG kumambyo si Vice Ganda sa pahayag niyang problemang namagitan sa kanila ni Ogie Diaz na siya siyang manager. Sa latest niyang interview, tiniyak niyang nagkamabutihan sila ni Ogie at maganda ang samahan nilang dalawa.

Is this saying na natatakot si Vice Ganda na mapagbalingan ng poot ng mga kapanalig ni Ogie na karamihan nga ay mga media people?.You see, sa tinagal-tagal ni Ogie bilang mediaman, marami na rin siyang kaibigang nakahandang sumuporta sa kanya.

Isang salita lang ni Ogie sa mga kasamahan sa press, siguradong kuyog si Vice.

Sadyang mabait pa rin si Ogie dahil patuloy siyang tahimik at pinagtatakpan ang ‘attitude’ ng alaga niya.

By the way, ganito ang reaksyon ni Ogie sa laging sinasabi nga ni Vice na maraming bagay silang hindi napapagkasunduan.

“Siya na rin ang nagsabing may problema kaming pinagdadaanan bilang manager-talent. Sa totoo lang, normal lang naman ito sa isang relasyon.

Kahit sa magsyota, mag-ina, magkapatid, magkaibigan, hindi nawawala ang diskusyon at alitan. Hindi personal ang problema kundi may kinalaman sa trabaho. At naniniwala kami na ang bagay na ito ay parang hindi magandang isumbong pa sa publiko, dahil unang-una, hindi maiintindihan ng karamihan. At ang tendency, magpaliwanag kami sa publiko gayong kaming dalawa lang ang makakaayos nito.”

Very well said!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply