Shell Advance motorcycle challenge, balik-siyudad

NAGBALIK-SIYUDAD ang Shell Advance Sootorcycle & Scooter Challenge upang subukin ang mga riders ng Caloocan at Marikina, sa isang magkasunod na showdown noong Oktubre 15 at Oktubre 16.

Nagtipun-tipon sa 10th Avenue ang 332 rider mula sa Caloocan upang sumali at masaksihan ang Sootorcycle at Scooter challenge na nagsimula umaga pa lamang ng Sabado. Masayang nagsipag-uwi ang mga Caloocan riders na sina Nelson Camacho (1st), Erly Caguiat (2nd), at Sonny Nabata (3rd), dahil sa mga papremyong kanilang natanggap ng araw na iyon. Maliban sa halos P10,000.00 cash prize na pinagahatian ng tatlo, nakatanggap rin ang bawat isa sa kanila ng Shell Advance Jacket at Outlast Battery.

Nakatanggap rin ng Shell Advance freebies at cash prize na P2, 000.00 si Aliasa Maca-Angcos na nanalo ng Best Dressed para sa Stock category, habang ang 2nd placer na si Victor Azurin ay nakatanggap ng P1,000.00 at ang 3rd placer na si Nasroden Mamarinta ay, P500.00.

Samantala, ang scooter na pagmamay-ari ni Jeff Sanchez ang inaward-an ng Best Dressed para sa Open Category, habang ang kina Mohammad Dibaratun at Henry Zamora ay inaward-an ng 2nd at 3rd place. Bumaha rin ng RC Cola Softdrinks sa 10th Avenue, na ikinatuwa naman ng mga dumalo.

Kinabukasan, tumulak naman ang organizers ng Shell Advance Challenge patungo sa “Shoe Capital of the Philippines,” ang Marikina.

Napuno ang Riverbanks Center ng mga Marikeño, lalo na ng riders ng K88 club na siyang tumanggap ng isang box ng Shell Advance Ultra at isang box ng Shell Advance AX7.

Limang-libong piso naman ang napanalunan ng 1st placer sa Scooter Challenge na si Virgilio Villanueva, habang P3,000.00 naman ang napunta kay Enrique Ascunsion, at P1,000.00 kay Joel Sy.

Wagi rin sa Best Dressed-Stock category sina Victor Vergel de Dios (1st ), Sherwin Umali (3rd) at sa pagkakataong ito, ang motorsiklo naman ni Ascunsion ang bumida, na pasok sa ikalawang pwesto.

Ikatlong pwesto naman ang kinalagyan ng motorsiklo ni Eric Carillo para sa Best Dressed-Open category habang top 2 spots ay napunta kina Michael Gonzales (2nd) at Paolo Wisco (1st).

Ang rider na si Edelito Flores ay nakapaguwi ng hindi lamang isa, ngunit dalawang, Shell Advance Jacket para sa kanyang pagkakapanalo sa Slow Race at Bike Balance category.

Bonus naman para sa mga riders na dumalo sa magkasunod na event ang libreng pa-change oil na inisponsoran rin ng Shell Advance.

Ang Shell Advance Sootorcycle & Scooter Challenge Caloocan-Marikina leg ay suportado ng Outlast Battery, RC Cola, Maya & Cycle Mart, Riverbanks Center, TASCO INC., Pinoy Speed, Ronda Remate at ng Inside Racing.

Para sa karagdagang impormasyon, tumawag o magtext lamang sa mga numerong 09178119337 at 09228165344 at hanapin si Gng. Bing Bang Dulce. Maaari ring mag-log in sa www.racemotorsports.com, o di kaya’y hanapin sa Facebook ang account na RACE Motorsports Club (Slalom Racing).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply