Shell, Chevron execs kinasuhan na sa Makati gas leak

KINASUHAN na sa Makati City Prosecutors Office ang mga opisyal ng mga kompanyang responsable sa pinsalang idinulot ng pagtagas ng langis sa Barangay Bangkal, Makati City.

May 23-pahinang reklamo ang isinampa ng mga residente ng West Tower Condominium at mga taga-Bangkal kay Assistant City Prosecutor Evangeline Canohas.

Sinabi ni Atty. Lorna Kapunan, kinatawan ng mga apektadong residente, kabilang sa mga isinasabit sa criminal negligence dahil sa paglabag sa Article 365 ng Revised Penal Code ang mahigit sa 30 opisyal at Board of Directors ng First Philippine Industrial Corporation (FPIC), Shell at Chevron.

May kaugnayan ang reklamo sa hindi pagtugon ng mga nasabing kompanya sa “Writ of Kalikasan” na inisyu ng Korte Suprema hinggil sa paglilinis sa tumagas na langis sa nasabing lugar.

Nag-ugat ang kaso matapos lumitaw sa pag-aaral ng kinomisyon na laboratory company na accredited ng DENR ng mga taga-barangay Bangkal at West Tower Condominium na may cancer causing chemicals ang mga tubig na itinatapon ng mga responsable sa paglilinis ng tumagas na langis patungo sa katabing creek sa lugar.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply