Shopinas.com Clickers ibabaon ang Barako Bull

MALAMANG na palubugin pa lalo ng nagbabalik-galing na Barako Bull ang inaalat na Shopinas.com Clickers sa paghaharap nila sa Biyernes sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Suklob na ng Clickers ang 0-3 win-loss slate habang nasuwag ng Barako Bull ang pangalawang panalo ng hiyain nila ang PBA co-leader na Talk ‘N Text sa top ng standings kasama ang Petron Blaze. Naitala ng Barako ni coach Junel Baculi ang ikalawang panalo sa iskor na 100-86 kasunod ng pagpapabagsak sa Barangay Ginebra noong Oktubre 14 sa itinalang panalong 88-75.

Habang ang nagbabagong-puring Tropang Texters ay makahaharap ang B-Meg Derby Ace (1-2) sa main game ng double-header ng 10-team composition ng Governor’s Cup.

Nagbalik ang sigla ni Willie Miller sa pagtatala ng kanyang pinakamalaking output na 27 puntos mula ng lumipat sa Lina Group of Companies franchise, siya ay sinundan ni ex-Smart Gilas player na si Dylan Ababou na tumirada ng 20 puntos at ng dating Beermen shooter na si Mick Pennisi na bumanat ng 18 puntos.

Sa main game ay hinatiran ng linya ng Rain Or Shine Elasto Painters ang Meralco Bolts sa score na 89-84 sa pagtatala nila ng 3-1 win-loss record habang nagpantay sa 2-2 ang koponan ni coach Ryan Gregorio.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply