Shopinas.com Clickers sasalang vs Powerade Tigers

KASUNOD ng magarbong opening ceremonies ng 2011-12 PBA Philippine Cup at ng mahigpitang salpukan ng crowd-darling Barangay Ginebra at ng Rain Or Shine Elasto Painters noong Linggo (Oktubre 2) na pinagwagihan ng Painters sa score na 94-93 ay magkakasubukan ang bagong bihis na Shopinas.com Clickers laban sa revitalized Powerade Tigers na susundan ng banggaan ng B-Meg Derby Ace Llamados at ng Petron Blaze Boosters sa Cuneta Astrodome bukas (Oktubre 5).

Sa buwena-manong panalo ng koponan ni coach Yeng Guiao ay maagang nagpakita ng kanyang potensiyal si ex-UE Red Warriors gunner Paul Lee na pumuntos ng 21 at gumawa ng walong assist habang nabigo ang the “fast and the furious tandem” nina Mark Caguioa at Jayjay Helterbrand na nakabuslo lang ng pinagsamang 27 puntos.

Tinanghal na top scorer sa team na magkatuwang nina coach Jong Uichico at Siot Tanquingcen ang sophomore na si JC “Rocket” Intal na bumuslo ng 16 markers.

Inaasahang dadagsain ng mga tagasubaybay ng professional basketball ang laro para makilatisan ang bagong Shopinas.com Clickers at ang pagbabalik ng Powerade Tiger kasunod ng hindi kagandahang laro noong huling komperensiya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply