Si Carlos Agassi at iba pang tira-tirahan ng mga bading…bow!

NAGPAPANSIN lang ba o nagtatapang-tapangan lang si Carlos Agassi sa pag-amin niyang natikman na siya ng bading.

Pero kung aanalisahin, tila di lang nagpatikim kundi  pinagpasasaan na siya ng mga bading, judging sa ilang relasyong pinagdaanan niya.

Look,  at  a very young age, nakatikim na raw siya ng bading.’Yung casual lang. ‘Yung gusto lang niya masubukan. Tapos nung model pa lang siya’t wala sa showbiz, meaning teenager pa siya, nakipagrelasyon na siya sa bading.

Commercial model pa lang daw siya noon at wala pa sa showbiz nang makipag-relasyon siya sa bading.

Pero hindi raw ang yumao niyang manager ang naka-relasyon niya.

Pagbubulgar ni Carlos, naging mabait daw sa kanya ang bading at nagtiyaga raw manligaw sa kanya.

Hindi raw niya alam na bading ito noong una. Katunayan, kasabay pa raw niya itong nanonood ng porno films.

Tatlong taon daw silang naging magkaibigan ng bading hanggang sa ligawan na raw siya nito na hindi niya kaagad matanggap dahil wala raw siyang kamuwang-muwang sa ganitong sitwasyon noon.

In short, bumigay din si si Carlos at tumagal daw ng halos isang taon ang kanilang relasyon kahit madalas silang mag-away.

Hanggang ngayon, nakikita pa rin niya ang bading sa mga event at nagkakabatian pa rin daw sila.

Hindi na raw siya pumasok ulit sa panibagong relasyon sa bading, pero inamin niyang matapos ang 10 taon, nagkaroon ulit siya ng karanasan sa gay.

Meaning sa showbiz na ito, artista na siya. Sino kaya’ng bading yun? Talent manager kaya o executive ng network. O baka naman bi actor na marami sa kumpanya niya?

At kung ganoon nga na nakikipagrelasyon na siya, tiyak na may mga hindi pa siya sinabing mga casual sex encounters niya sa mga bading. Mas sigurado kesa hindi na bukod sa dalawang inamin na niya, meron pang iba.

Kunsbagay, marami naman sa showbiz ang ganyang tira-tirahan na ng mga bading. ‘Yun bang pinagpasasaan nila at sa edad nila ngayon, di na pinagtitilam-tilaman pa.

Need we name names?

‘Wag na, isipin na lang nating naglipana naman talaga sa showbiz ang mga ganyang artistang mahilig magtikim sa mga bading.

***

Lovi Poe mahilig manipsip ng mga guwapong lalaki

Kulung-kulo ang dating ni Lovi Poe sa trailer ng isa niyang pelikula na hindi pa man inilalabas ay sinasabing maghi-hit din daw. Mala-tempress kasi talaga ang dating ng alaga ni Leo Dominguez who is considered to be a box-office star of sort.  If Aswang makes good, bale sunod-sunod ang mga hits ni Lovi sa loob ng dalawang taon.
This, and all, will really seat Lovi to the throne of being a hit actress sa local moviedom.

Malapit na kasing ipalabas ang Aswang na remake ng isang obra ni Peque Gallaga. Sa bagong version ni Jerrold Tarog, bagay na bagay nga raw si Lovi sa role ng isang inosente pero may sikretong mahilig manipsip at uminom ng dugo ng kanyang mga biktima.

“The role requires someone who looks seductive and harmless but keeps an evil secret that makes her deadly,” pahayag ni Director Jerrold Tarog who did the much-acclaimed Funeraria episode in Shake, Rattle & Roll 12.
“Mother Lily and Roselle Mon- teverde made the perfect choice when they picked Lovi for the title role.
Hindi katakatakang maakit agad sa kanya the actors in the film like Paulo Avelino, Marc Abaya, Joem Bascon and Albie Casino as they have no inkling that behind her alluring looks are sharp fangs that can sink into their necks to suck their blood.”

Sabi naman ni Lovi,“I’m so happy that right after ‘Neighbor’s Wife’, heto’t may follow-up movie agad ako. I have a number of revealing sexy scenes in it but more than that, I guarantee that the film will give viewers a very good scare.”

So there!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply