Si Steve Jobs!

SINO nga ba si Steve Jobs? Bakit nagluluksa ang maraming tao sa mundo sa kanyang pagpanaw ngayong araw (pets sa Pilipinas).

Ipinanganak na Steven Paul “Steve” Jobs noong Pebrero 24, 1955. Sa edad na 21, siya ang co-founder ng Apple Inc., katuwang si Steve Wozniak.

Isa siya sa pinaka-sikat na American computer entrepreneur at inventor sa buong mundo. Bukod pa dito, siya rin ang chairman at chief executive officer ng Apple Inc. Ang Apple ay isang sikat na kompanya na gumagawa ng mga laptop, personal computers at mga tablets PC na usung-uso ngayon sa iba’t ibang parte ng mundo.

Siya rin ang naging chief executive ng Pixar Animation Studios; at naging miyembro ng board of directors ng The Walt Disney Company noong 2006, bago ang acquisition ng Pixar ng Disney.

Siya ang executive producer ng sumikat na “Toy Story” movie noong 1995.

Pero ang talagang nagpasikat kay Jobs ay pagkakatatag nila ng Apple Inc. noong 1970 nina Steve Wozniak at Mike Markkula.

Gumawa sila ng disenyo, nag-develop at iminarket ang tinaguriang “first commercially successful lines” ng personal computers, ang Apple II series.

Noong early 1980s, si Jobs ay isa sa mga unang nakakita nang commercial potential ng Xerox PARC’s mouse-driven graphical user interface, na naging daan ng creation ng Macintosh.

Nag-resign si Jobs sa Apple noong 1995 at itinatag ang NeXT, isang computer platform development company na may specialization sa higher-education at business markets.

Ngunit noong 1996 nang bilhin ng Apple ang NeXT ay nagbalik si Jobs sa kino-founded na kompanya at nagsilbing CEO mula 1997 hanggang 2011.

Ngayong araw (petsa sa Pinas), inanunsyo ng Aplle Inc. ang pagpanaw ni Jobs dahil sa sakit na pancreatic cancer.

Nabatid sa ulat na matagal ng nagsa-suffer ang Computer Icon sa nasabing sakit.

Itinago rin ni Jobs sa publiko ang kanyang karamdaman.

Matapos na lumabas ang balitang pumanaw na si Jobs ay libu-libong tao mula sa iba’t ibang mundo ang nakiramay at pumuri sa kontribusyon ni Jobs, maging ilang sikat na personalidad sa mundo gaya ni Bill Gates.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply