Siga binistay ng bala sa Pasay

NAPATAY ang isang umano’y siga makaraang paulanan ng bala ng dalawang hindi kilalang lalaki na sakay ng isang motorsiklo kagabi (Oktubre 26) sa lungsod ng Pasay.

Ang biktima na tadtad ng tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ay kinilalang si Carlito Resurrecion, 29.

Agad naman tumakas patungong Arnaiz at Aurora Boulevard ang dalawang salarin na riding in tandem na hindi nakuha ang plaka ng motorsilong sinakyan.

Batay sa isinagawang imbestigasyon nina SPO2 Allan Valdez, SPO1 Roy Ramos, at PO3 Rodolfo Soquina may hawak ng kaso ng Station Investigation Detective Management Section (SIDMS), ang insidente ay naganap dakong alas-6:20 kagabi.

Nauna rito ay nakita ng mga operatiba sa CCTV Camera ng Brgy.66 Zone-8 na ang biktima sakay ng scooter na kulay puti na may plakang 1173-OU patungo ng Barangay Hall sa Dolores street ng nabanggit na lugar.

Walang kamalay-malay ang bitkima na sinusundan na siya ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo at pagsapit sa kalagitnaan ng barangay hall ay agad na niratrat ng hindi batid na kalibre ng baril ang biktima na sumadsad sa semento.

Matapos ang ginawang pagpatay sa biktima naka-diskubre ang mga operatiba sa lugar ng krimen ng siyam na basyong bala at dalawa pa na hindi pa pumuputok.

Masusing iniimbestigahan ng mga operatiba na ang pagpatay sa biktima ay may kinalaman umano sa pagkakapatay sa pulis na si Jose Salazar nitong nakalipas na Setyembre 18.

Sinampahan ito ng kasong Obstruction of Justice nang dahil sa pag-aalis umano ng mga ebidensiya sa lugar kung saan pinatay si Joey Salazar. Johnny F. Arasga

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply