Signal No. 1 sa bagyong ‘Ramon’ nadagdagan

SA pinakahuling advisory ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nadagdagan ang mga lugar na nasa storm signal no. 1 at ito ay umabot na sa 18.

Kabilang dito ang mga sumusunod:

Eastern Samar
Western Samar
Leyte Provinces
Bohol
Biliran
Camotes Island
Northern Cebu
Northern Negros
Northern Iloilo
Capiz
Masbate
Ticao Island
Surigao Del Norte including Siargao Island
Surigao Del Sur
Agusan Del Norte
Agusan Del Sur
Dinagat Group of Islands
Camiguin Island

Ayon sa PAGASA, ang bagyo ay nasa layong 245 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur kaninang alas 10:00 ng umaga.

Si “Ramon” ay may lakas ng 55 kph mula sa gitna at kumikilos patungong kanlurang-hilagang kanluran sa bilis na 17 kilometro kada oras.

Pinag-iingat ng PAGASA sa posibleng landslides at flash floods ang mga residente na nakatira malapit sa bundok, malapit sa ilog at dalampasigan sa mga lugar kung saan nakataas ang public storm signal.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply