Signal warnings sa bagyo inalis na

KAHIT mananatili pa rin ang mga pag-ulan sa kabila ng patuloy na paglayo ng bagyong Quiel inalis na ng PAGASA ang lahat ng signal warning sa mga dinaanan ng naturang sama ng panahon.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 370 kilometro sa kanluran hilagang kanluran ng Baguio City.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 120 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong 150 kilometro bawat oras.

Kumikilos ito ng pakanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.

Bukas ng umaga, inaasahang nasa 610 kilometro sa kanluran hilagang kanluran na ng Baguio City ang bagyong si Quiel.

Gayunman, isang low pressure area (LPA) na naman ang papalapit sa kalupaan na inaasahang magdadala ng mga pag-ulan sa silangang bahagi ng ating bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply