Sinalisihan ng pick-up girl, nanunog ng apartelle

KALABOSO ang isang obrero matapos sunugin ang kuwarto ng isang apartelle matapos magalit nang masalisihan ng kinuhang pick-up girl at tangayin ang kanyang  pera sa Cubao, Quezon City kaninang madaling-araw.

Kinilala ang suspek na si Efren Dinawanaw, 43, stay-in sa Magnolia Robinson, Aurora, Cubao.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District station 10 Kamuning, naganap ang

insidente dakong 1:00 ng madaling-araw kanina sa Day To Day Apartelle Cubao, Edsa.

Sinabi ni SPO2 Patricio Sanosa na pumasok ang inirereklamo at ang isang hindi nakilalang pick-up girl sa naturang apartelle para sa isang panandaliang-aliw.

Nabatid pa sa ulat na nang makapasok ang dalawa sa kuwarto ay inutusan umano ng babae ang suspek na maligo muna.

Matapos makaligo ang suspek laking gulat nito nang wala na ang babae na kanyang pinik-ap at wala na rin ang kanyang pera na P10,500 sa kanyang pitaka.

Dito na nagalit ang suspek sa management ng apartelle kung bakit pinayagan makalabas ang naturang babae.

Kumuha umano ng gasolina ang suspek saka sinunog ang kuwarto ng naturang apartelle na agad namang naapula.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply