Sindikato ng QC Hall kaladkad si papa mayor

DAPAT paimbestigahan at paalalahanan ni QC Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista ang kanyang ‘Papa Mayor’ dahil sa may dalawang tao na kumikilos sa Quezon City Hall na ginagamit ang pangalan ng huli para magkamal ng sandamakmak na pera.

Ang mga tinutukoy na tao ay sina alyas Johnny G. at Tony R. na kapwa mga sindikato ng QC Hall. Ang dalawang kumag na ito ang kumakausap at nanghihingi ng  pera sa mga target nilang kliyente.

Iniimbitahan nila si ‘Papa Mayor’ na kumain sa labas at hindi alam ni ‘Papa Mayor’ na kinakaladkad ang pangalan niya sa ginagawang panraraket ng dalawa.

Ang dalawang kumag na ito ay madalas na nakatambay sa Starbucks sa likod ng QC Hall na may mga kausap na kanilang bibiktimahin.

MOTEL NA HINDI KA SAFE MAG-CHECK-IN

Sa San Fernando, Pampanga naman, nag-aangalan ang mga empleyado  sa motel na kanilang pinagtatrabahuhan dahil sa wala sa minimum ang pasahod, illegal dismissal, ‘di pagbabayad ng overtime, holiday at separation pay sa anilang mga empleyado.

Ang tinutukoy na motel ng mga empleyado ay ang Miyabe Court sa Lazatin Village, Villa Victoria.

Kaya isa-isang nadidismaya ang mga kostumer na nagtse-check-in dito dahil sa di magandang serbisyo ng mga ito sa mga kostumer.

Kung matatandaan ninyo, sa motel pong ito natagpuan ang ‘pugot na ulo’ ng isang babae.

Hanggang ngayon ay palaisipan  pa rin sa mga kinauukulan at sa management ng motel kung paanong nangyari ang ganitong karumal-dumal na krimen habang nasa

loob ng motel ang biktima. Ang kostumer ay wala man lang kaprote-proteksyon mula sa management ng nasabing motel.

Abay, hindi rin malayo na maulit muli ang krimen dahil sa kulang ang mga empleyado na nagseserbisyo rito.

Anomang mga reklamo o puna ay i-text lang sa 0918-9274764,09266719269 o i-email sa juandesabog @ yahoo. com.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply