Singil sa text messages bababa sa Nobyembre

INAASAHANG bababa na sa susunod na buwan ang inter-connection charges sa text messages matapos na ma-ipublish na sa mga pahayagan ng National Telecommunication ang desisyon hinggil sa singil sa text messages.

Ito ang tiniyak ng NTC sa pagpasok ng Nobyembre ay makararanas na ng pagbaba sa text messages ang subscribers.

Ayon kay Director Edgardo Cabarrios ng Common Carriers Authorization Department ng NTC, nailathala na sa iba’t ibang pahayagan at naianunsyo na kahapon ang direktibang ito ng komisyon kaya maipatutupad na sa loob ng 15  araw.

Sa ilalim ng bagong direktiba ng NTC, bababa ng 20-centavos ang inter-connection charges sa short message service (SMS) kaya magiging 15 centavos na lamang ang mula sa kasalukuyang 35 centavos.

Maliban dito, pinag-iisipan na rin ng ahensya na isunod na babaan  ang inter-connection charges sa tawag sa cellphone sa mga susunod na buwan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply