Singson ginawang ‘water czar’ ni PNoy

PANGUNGUNAHAN ni Public Works and Highways Secretary Rogelio Singson ang protocol sa pagpapa-alpas ng tubig sa mga dam sa tuwing magkakaroon ng mga pag-ulan matapos atasan ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III na maging pansamantalang “water czar” na magmamando sa mga ahensya na may kinalaman sa tubig.

Una nang iniutos ng Pangulo ang pag-rebisa sa mga alituntunin na sumasakop sa pagpapakawala ng tubig sa mga dam upang maiwasan ang matinding baha sa tuwing magkakaroon ng bagyo.

Inatasan din ni Aquino ang Department of Science and Technology (DOST) at ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na magkaroon ng sistema para malaman kung gaano karaming ulan ang dala ng mga bagyo taun-taon upang masukat ang dami nito at ang dami ng tubig na hawak ng mga dam.

Sinisisi ng mga residenteng nalubog sa baha ang mga nagpapalakad ng mga dam at mga lokal na opisyal dahil sa kanila umanong kabiguan sa pagbibigay ng babala kung gaano karami ang itatapong tubig ng mga dam.

Inatasan din ng Pangulo ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa rehabilitasyon ng mga nawasak na imprastraktura at ang pag-review sa mga disenyo ng mga ito lalo na ang mga nawasak na tulay sa Gitnang Luzon. Ben Reyes

 

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply