Sino ang pinaka-yummy sa Senado?

AYON sa dictionary.com, ang ibig sabihin ng “yummy” ay “very pleasing to the senses” at “extremely attractive or appealing.”

Aking tinanong ang Senate pages — sila ang mga staff ng Senado na naka-assign sa session hall upang panatilihin ang kaayusan doon at higit sa lahat ay upang tumalima sa mga pangangailangan ng mga senador tuwing may sesyon—kung sino sa ating mga datihan at kasalukuyang senador na kanilang personal na napagsilbihan ang sa kanilang palagay ay nagtataglay ng mga sumusunod na katangian:

Pinakamabango
First Honors (1st): Lacson
Second Honors (2nd): Honasan
Hon.  Mention: Enrile; Loi Estrada

Pinakaguwapo
1st: Revilla
2nd: Zubiri
Hon. Mention:    Recto; Enrile

Pinakamaganda
1st: Legarda
2nd: Coseteng
Hon. Mention: Rasul

Pinakamabait
1st: Enrile
2nd: Zubiri
Hon. Mention: Gringo; Lacson; Ople

Pinakagalante
1st: Enrile
2nd: Lacson
Hon. Mention: Zubiri; Angara

Pinakamatalino
1st: Enrile
2nd: Ople
Hon. Mention: Santiago; Sergio Osmena

Pinaka-cute
1st: Flavier
2nd: Pia Cayetano
Hon. Mention: Zubiri

Pinakamasayahin
1st: Flavier
2nd: Lapid
Hon. Mention: Zubiri

Pinakabonggang manamit
1st: Coseteng
2nd: Legarda
Hon. Mention: Santiago; Loi Estrada

Pinakamadaling lapitan
1st: Zubiri
2nd: S. Osmena; Honasan
Hon. Mention: Marcos; Nene Pimentel; Koko Pimentel

Pinakamagalang
1st: Honasan
2nd: Zubiri
Hon. Mention: Koko Pimentel

Pinaka-friendly
1st: Zubiri
2nd: Lacson

Pinakatahimik
1st: Revilla
2nd: Honasan
Hon. Mention: Lacson

Pinakamalinis tingnan
1st: Lacson
2nd: Trillanes
Hon. Mention: Honasan; Recto

Pinaka-inspiring
1st: Enrile
2nd: Santiago

Pinakagusto mong tularan
1st: Enrile
2nd: Zubiri

Batay sa mga sagot ng Senate pages, hands down na si Senator Enrile ang pinaka-popular sa halos lahat ng mga aspeto, sumunod ay si Senator Migz Zubiri.

Ako naman ang tinanong ng Senate pages kung hindi ko ba raw sila tatanungin kung sino ang may taglay na opposite o kabaligtaran sa mga katangiang nabanggit.  Ang aking sagot ay “marahil ay sa ibang pagkakataon.” Wink*** Wink***

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply