SK chairman, nilapirot ang dibdib, pinaglaruan ang ari ng senglot na pintor

KULONG ang 27-anyos na pintor matapos pagsamantalahan sa pamamagitan ng paglapirot sa dibdib at paglalaro sa ari ng isang SK chairman habang natutulog sa bahay ng kanyang kaibigan, iniulat ngayong araw.

Isinailalim na sa inquest proceeding sa Manila Prosecutors Office ang suspek na si Jayvee Ignacio, 27, ng 2016 Anakbayan St., Malate, Maynila habang nakatakas naman ang isa pa na si Ramon Pinlac, 28, ng nasabing lugar.

Nabatid kay P/Insp. Anita Araullo, hepe ng MPD-Women and Children’s Division  (MPD-WCCD), kinilala ang biktima sa pangalang Ma. Antonette, 20, SK Chairman ng isa sa barangay sa Malate, Maynila.

Nabatid na nakitulog ang biktima sa bahay ng kanyang kaibigan nang abutin ng alanganing oras matapos gumawa ng takdang aralin.

Ganap na alas 2:00 ng madaling-araw nang maalimpungatan ang biktima  na natutulog sa kuwarto nang maramdamang may nakadagan sa kanyang dibdib.

Si Ignacio umano ang pumatong sa biktima habang si Pinlac na nakatakas ay nilalaro ang kanyang ari.

Hindi naman umano makasigaw ang biktima dahil natatakot sa dalawang suspek kaya kinabukasan ay pinagtanong-tanong niya ang pagkakilanlan ng mga suspek  na nagresulta ng pagkaaresto ni Ignacio ngunit nakatakas naman si Pinlac.

Kasong rape ang isasampa laban sa dalawa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply