Snatcher kalaboso sa sigaw

SWAK sa kulungan ang isang snatcher matapos magsisigaw ang sekretaryang inagawan ng folder sa Caloocan City kaninang umaga.

Nakilala ang suspek na si Gerard Soto, 43 ng Gen. Evangelista, Bagong Barrio ng lungsod.

Sa pahayag ng biktimang si Lina Pinlac, 50, dakong alas-9 ng umaga, naglalakad siya sa Edsa ng lungsod nang hablutin ng suspek ang dalang folder na naglalaman ng P2,000 at P61,000 halaga ng tseke.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek kaya’t nagsisigaw ang biktima na nakatawag ng pansin sa mga nagrorondang mga pulis.

Hinabol ng mga pulis ang suspek hanggang sa maabutan ito at mabawi ang mga nakulimbat.

Agad itong dinala sa himpilan ng pulisya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply