Solon na baliktaran abogado ng Gabinete para lumusot sa CA

ALAM ninyo ba na hindi lamang sa bingo makikita at maririnig ang salitang baligtaran o 69 dahil maging sa Kongreso ay uso ang baliktaran o 69 lalo na sa hanay ng mga mambabatas sa Kamara lalo na kung sila ay mayroong mapapala sa kasalukuyang administrasyon.

Batay sa impormasyong nakarating kay matang kuwago ng Remate, tumayong abogado ang mambabatas na ito sa isa sa mga Gabinete ni PNoy matiyak lang na lumusot sa makapangyrihang Commission on Appointments ang bata ni PNoy.

Kaawa-awa naman ang pobreng oppositor ng Gabinete dahil imbes na pakinggan at matuwa sa kanya ang mambabatas na miyembro ng CA ay binastos at nilapastangan siya at pinaratang pa ng mga mali at walang basehang paratang.

Mabuti na lamang at naroon si Senate President Juan Ponce Enrile sa komisyon at pinaalalahanan ang kanyang kapwa mambababtas na nag-aabogado sa PNoy cabinet na hayaang magsalita at pakinggang mabuti at marinig ng mga miyembro ng komisyon ang mga hinaing ng oppositor ang tunay niyang dahilan o motibo sa pagtutol sa kumpirmasyon.

Ang siste, batay sa pag-aaral ni matang kuwago, re-electionist pala ang mambabatas na ito at tiyak na kailangang kailangan niyang sumipsip at magpalapad ng papel sa Gabinete ni PNoy para matiyak ang kanyang panalo sa susunod na halalan.

Sumbong pa kay matang kuwago buwisit na buwisit nga ang ilang manonood sa pagdinig dahil imbes na pakinggan at tiyakin na karapat-dapat sa puwesto ang isang taong ini-apoint ng Pangulo sa kanyang puwesto ay balewala na basta lumusot lang lalo na’t kaalyado.

Ang mambabatas na ito ay baliktaran talaga patunay ang kanyang pagiging bahagi ng nakalipas na administrasyon at sa takot na walang mapapala sa mananalong Presidente kaya iniwan si Gloria at lumipat ng ibang bakuran.

Lalaki ang mambabatas na ito at mataas na puwesto ang hawak sa CA.

Ang kabuuan ng kanyang pangalan ay mayroong letrang A as in actual vote and count.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply