Gusot sa PIATCO ayusin – solon

CEASEFIRE!

Ito ang panawagan ni AKO Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe sa Administrasyong Aquino at sa Philippine International Air Terminals Co. Inc. (PIATCO).

Iginiit ng kongresista na malaking tulong sana sa pamahalaan kung magagamit na ang Terminal 3 upang mapabuti ang kabuuan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Hanggang ngayon ay nakabinbin pa rin ang kasong kriminal na isinampa ng gobyerno laban sa PIATCO dahil sa umano’y iligal na transaksyon sa paggawa ng Terminal 3 sa NAIA.

Ayon kay Batocabe, habang tumatagal ay nawawalan ang bansa ng kikitain sa Terminal 3 dahil napapabayaan na at nabubulok na rin ang mga kagamitan at pasilidad nito.

Dagdag pa dito, sa halip na magamit na ang Terminal 3 para sa mga international flight ay mga budget airlines ang nakikinabang dito.

Ito aniya ang pangunahing dahilan kung bakit lantad-lantad sa mga turistang pumupunta sa bansa ng kabulukan ng paliparan.

Hindi rin aniya nakapagtataka kung bakit nailagay sa unang pwesto bilang “worst airport” ang NAIA bunsod nga ng mga kontrobersiyang bumabalot dito.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply