Solon: Solar energy dapat pagtuunan ng pansin

NANAWAGAN ang isang kongresista sa pamahalaang Aquino na pagtuunan ng pansin ang solar power energy upang mabawasan ang masyadong pagdepende ng bansa sa langis.

Ayon kay Bayan Muna party list Rep. Teodoro Casiño sa House Bill 5405, pangunahing layunin ng kanyang panukala na makatulong na malabanan ang global warming at air pollution at ma-engganyo ang naturang industriya.

“In an era of increasingly high prices and foreseeable decline of the global oil supply, government should at the soonest develop fuel alternatives and accelerate the exploration and utilization of renewable sources of energy,” ani Casiño.

Ayon sa mambabatas na inaprubahan ng Kamara ang Republic Act 9513 o Renewable Energy Act in 2008 upang ma-engganyo ang pagpasok ng investments sa renewable energy.

Inihayag naman ni Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan, isa pang awtor ng panukala na malaki ang mapapakinabangan ng Pilipinas sa paggamit ng renewable energy dahil sa pagiging malinis at malawak ang pagkukunan nito.

Ayon kay Ilagan, ang Pilipinas ay biniyayaan ng dalawang uri ng klima na tag-ulan at tag-init. Bukod sa hydro energy na galing sa tubig ay maaaring gamitin ang sikat ng araw para pagkunan ng enerhiya.

“It is hoped that through this, the demand for clean solar energy, as well as the opportunities for local manufacturing and related solar energy products and services will increase,” ani Ilagan.

Sa ilalim ng panukalang “One Million Solar Roofs Act of 2011,” kailangang i-engganyo ng pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Energy (DOE), National Renewable Energy Board (NREB) at Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) ang paglalagay ng maliit na solar energy systems sa mga bahay at establisimyento sa buong bansa.

Target nitong magkaroon ng maliit na solar energy roof ang may isang milyong kabahayan sa loob ng 10 taon. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply