SOMO ipinatupad para mapalaya ang dinukot na alkalde

IPINATUPAD na sa ilang lugar sa Surigao del Sur at Davao Oriental ang Suspension of Offensive Military Operation (SOMO) para sa pagpapalaya sa dinukot na alkalde.

Ayon kay Surigao del Sur Gov. Jhonny Pimentel, chairman sa Local Crisis Management Committee, ang SOMO ay naglalayong ligtas na mapalaya si Lingig Mayor Harry Dano.

Kinumpirma naman ni 4th ID Phil. Army spokesman Eugenio Oseas IV na localize ang deklarasyon sa SOMO na tatlong araw itong ipinatupad simula kahapon (Oktubre 7) hanggang bukas (Oktubre 9).

Ipinatupad ang SOMO sa bayan ng Lingig at Bislig City sa Surigao del Sur, Boston sa Davao Oriental at Monkayo ng Compostela Valley .

Ang pagdukot kina Dano at dalawang sundalo ay unang kinumpirman ni Chief Supt. Reynaldo Rafal, Director ng Caraga Regional Police.

Sa paunang impormasyon na natanggap ni Rafal, tinatayang 30 armadong rebelde na lulan ng tatlong sasakyan ang dumating sa bahay ni Dano sa Lingig Poblacion dakong alas-6:30 ng umaga noong Agosto 6.

Nagawang makapasok sa loob ng bahay ang mga suspek dahil isang lalaki na nakabihis ng Barong Tagalog ang kumatok sa pintuan at nagpakilalang miyembro ng National Bureau of Investigation (NBI).

Matapos buksan ng kasambahay ang pintuan, kaagad na sumulpot ang iba pang armadong lalaki na nakasuot ng camouflage uniform at inalisan ng armas ang mga guwardiya sa bahay.

Tumakas ang mga rebelde kasama ang kanilang mga bihag patungo sa Boston sa Davao Oriental.

Lumitaw na hindi ito ang unang pagkakataon na binihag ng mga rebelde ang alkalde ng Lingig. Bago ang May 10 national and local elections, tinangay at pagkaraan ay pinalaya rin ng mga rebelde si dating Lingig Mayor Roberto Luna, Jr.

Si Luna, kasalukuyang vice mayor ng Lingig, ay dinukot din ng mga rebelde noong 2007.

Matatandaan na kahapon ay paulit-ulit na nanawagan sa PNP at AFP ang asawa ni Lingig Mayor Henry Dano na ipatupad na ang SOMO para sa ligtas na pag-release ng mga NPA sa mga bihag kasama na rito ang apat na miyembro ng BJMP at dalawang miyembro ng Phil. Army. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply