Sonsona sasabak ulit sa ring

KIKILATISIN bukas ng gabi (Oktubre 15) kung gising na nga ba at may ibubuga pa ang dating teen sensation at dating kampeon na si Marvin “Marvelous” Sonsona sa pakikipagbugbugan nito kay Mexican knockout artist Carlos Jacobo sa Hoops Dome sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Halos magdadalawang taon nang hindi lumaban si Sonsona matapos siyang matulog sa fourth round ng matikman niya ang solidong kamao ni Wilfredo Vasquez.

Sinungkit ni Sonsona ang WBO super flyweight sa edad na 19 sa Ontario, Canada noong Setyembre 2009 ngunit natalo sa unang pagdepensa dahil hindi nahabol ang kailangang timbang.

Umakyat ng dalawang dibisyon si Sonsona ng hinamon nito si Vasquez at dahil sa kanyang pagkatalo ay namahinga muna ito sa pagboboksing.

May record na 14-1-1, 12 KOs si Sonsona habang si Jacobo ay may 16-3-1, 14KOs.

“Hanapin ko agad kung saan siya mahina para dun ko siya pupuntiryahin.” kumpiyansang saad ni Sonsona.

“This is a good fight they both prepared well,” sabi ni Gelo-Ani ang promoter na nilapitan ni Sonsona upang bigyan siya ng isa pang pagkakataon. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply