Southern Leyte, Zamboanga del Norte nilindol

NILINDOL ng 3.1 magnitude ang Southern Leyte kaninang umaga iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs niyanig ng intensity 2 na lindol ang St. Bernard, San Juan at Hinundayan, Southern Leyte dakong 11:13 ng umaga kanina.

Ang location ng lindol ay 11 Kilometro ng North 14* East ng Maasin , Southern Leyte at ang origin ng lindol ay tectonic at lalim sa lupa ay 025.

Wala namang iniulat na napinsala o inaasahang aftershocks sa naganap na lindol.

Samantala, nauna rito niyanig ng 3.3 magnitude na lindol ang Zamboanga del Norte dakong 11:06 ng umaga kanina.

Ayon sa Phivolcs niyanig ng intensity 2 na lindol ang Manukan, Zamboanga del Norte.

Sinabi pa ng Phivolcs ang location ng lindol ay North 26* West ng Sindangan,Zamboanga del Norte at ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ay 001.

Wala namang iniulat na napinsala o inaasahang aftershocks sa naganap na lindol.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply