Sprint specialist wagi sa Stage 7 ng LBC Ronda

ISINIKAD ni sprint specialist Joseph Millanes ng American Vinyl ang 3 oras, 7 minuto, 4.5 segundo Stage 7 ng 2011 LBC Ronda Pilipinas mula sa Tarlac City hanggang sa San Fernando, La Union Lunes ng hapon (Oktubre 3) sa bahagyang binahang 142 kilometro.

Napanatili naman ang Red Jersey ni Joel Calderon habang nakatutok sa segunda puwesto si George Oconer para mapanatili ang top position sa kabila ng kapwa nila dinanas na flat tire sa baku-bako at matubig na lansangan.

Kaakibat ng panalo ng 30-anyos na si Millanes ay ang P50,000 lap prize. Kumuwala si Millanes na dating speed king ng 2009 Tour sa grupo ng mga siklista sa Rosario, La Union tungo sa pagwasiwas kina Tots Oledan ng 7-Eleven (3:07:19.9) at Daniel Asto ng Tarlac (3:07:20.1).

Nakabalik sa takbuhan sina Calderon ng alalayan ng mga teammate na sina Oscar Rendole at Alfredo Asuncion habang si Oconer ay nakahabol ng pahiramin ng gulong ng katropang si Gerald Mendoza.

Ang Top 10 cyclists pagkatapos ng Stage 7 ay sina Joel Calderon, George Oconer, Irish Valenzuela, Rudy Roque, Santi Barnachea, Arnel Quirimit, Alvin Benoza, Baler Ravina, Cris Joven at Lloyd Lucien Reynante. Ang Stage 8 ay magsisimula sa La Union patungo sa makasaysayang Vigan, Ilocos Sur. Radito Torres

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply