SRP ipatutupad ng DTI kung hindi ibaba ang presyo ng harina

IPATUTUPAD ng Department of Trade and Industry (DTI) ang suggested retail price (SRP) kung hindi ibaba ng mga manufacturer ng P40 ang presyo ng harina.

Ayon sa pahayag ni DTI Undersecretary Zenaida Maglaya na noon pang Agosto hanggang Setyembre dapat nagbaba ang mga manufacturer sa presyo ng harina.

Bumaba na umano ang presyo ng trigo sa pandaigdigang pamilihan noon pang Hunyo hanggang Hulyo kaya dapat mayroon nang paggalaw ang presyo ng harina matapos ang 60 hanggang 90 araw na lag time.

Sinabi ni Maglaya na mistulang napako na ang presyo ng harina mula noong Mayo kaya napapanahon na upang maipatupad ang SRP. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply