Steve Jobs ng Apple computer pumanaw sa kanser

PUMANAW na ngayon ang founder ng Apple computer na si Steve Jobs sa edad na 56 dahil sa pancreatic cancer.

Ayon sa ulat, itinago ni Jobs, taga-San Francisco, California, ang kanyang sakit sa publiko.

Sumailalaim na rin sa liver-transplant si Jobs dahil sa naturang karamdaman na nagpahirap din sa kanya sa mahabang panahon partikular na sa digestion ng paagkain.

Itinatag ni Jobs sa edad na 21, katuwang si Steve Wozniak ang Apple computer noong 1976.

Inilunsad naman nila ang Mackintosh noong Enero 24, 1984.

Ipinakilala nila ang I-Mack noong 1998, i-pad noong 2001, i-Pod noong Setyembre 7, 2005, i-Pad Tablet noong 2010 at ang i-Phone 4 noong Hunyo 7, 2010, ang biggest leap ng Apple computer at marami pang iba.

Si Jobs ay tinaguriang “Thomas Edison” ng makabagong panahon.

Samantala, susunuod na magiging CEO ng Apple computer ay si Tim Cook.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply