Stradcom kakasuhan ng DOTC sa P2-B lugi ng LTO

KAKASUHAN ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ang information technology (IT) service provider na Stradcom Corporation dahil sa pagkalugi ng P2 bilyon ng Land Transportation Office (LTO).

Sinabi ni Transportation Secretary Mar Roxas, na inihahanda na ng kanilang legal team ay ang kaso laban sa Stradcom.

Ang pagsasampa ng kaukulang kaso ay dahil sa pahayag ni LTO chief Virgina Torres na ang kontrata nila sa Stradcom na mula 2007 hanggang 2011 ay nawalan ang ahensya (LTO) ng tinatayang P2 bilyon na gimagamit bilang kabayaran sa interconnectivity fees.

“The DOTC is already now making the final review of the contract with Secretary Mar,” pahayag ni Torres.

Tinangka namang kunin ng Remate ang panig ng Stradcom para magkomento ngunit habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa ito makontak.

Sinabi naman ni Sec. Roxas na hindi pa muna niya maibabahagi sa publiko ang iba pang detalye hinggil sa merito ng naturang kaso.

Ipiprisinta pa ni Roxas sa executive session ang legal posture ng kanyang departamento.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply